Bilang isang kabataan at isa ring kpop fan. Ano nga ba para sa akin ang mga epekto ng kpop wave sa mga kabataan at sa ating komunidad.
Ang kpop wave o korean pop wave ay ang sining at musika mula sa mga kultura at tradisyon ng mga koreano, bilang partikular ay mula sa south korea. Ang south korea ay mula sa ** na bahagi ng Asya. Ang bansang ito ay kilala sa mga natatangi nitong kultura, pagkain, tradisyon at mga talento na nagpapahumaling sa mga banyang tao.
Isa sa mga kultura ng mga koreano ay ang natatangi nilang paraan ng pag bibigay pugay sa mga may mas matataas na katayuan sa buhay. Sila ay umuupo dikit ang binti sa sahig sabay ang pagyuko. Ito ang kanilang paraan ng  pagbibigay galang.
Ang isa sa mga pinakanatatanging pagkaing koreano ay ang tinatawag nilang 'kimchi'. Ang pagkaing ito ay pinaghalong repolyo, asin at 'chili powder'. Ang paraan ng pagluluto nito ay pagbuburo sa isang malaking banga at ito ay kilalang kilala ito bilang pagkaing pampainit dahil nga malamig ang klima sa bansang ito.
Maliban sa mga pagkain o tradisyong ito mula sa South Korea, hitik at punong puno ng mga natatanging talento ang bansang ito. Mula sa mga aktres na gaya nina Song Hye Ko, Park Shin Hye at Bae Suzy; at mga aktor gaya nina Lee Min Ho, Kwon Sang Woo at Song Joong Ki . Sila ay ilan lamang sa mga iniidolo ngga tinatawag nilang 'kdrama fanatics' o iyong mga baliw na baliw sa kapapanood ng mga korean drama. Ilan sa mga pinaka tanyag na korean dram ay ang Baker King, Jewel in the Palace, Empress Ki, My Love From the Star, Weightlifting fairy, K-12, at Goblin na naipalabas na sa iba't-ibang panig ng mundo sa kanya kanya nitong translasyon. Ilan lamang ang mga dramang ito sa mga sumasalamin at nagpapakita ng kultura ng mga koreano.
Bukod sa mga drama ng mga koreano, isa pa sa mga tanyag at tinitingala ng mga tagahanga ay ang talento ng mga koreano sa pag-awit at pagsayaw. Gaya na lamang ng mga grupong Wonder Girls, SNSD (Girl's Generation), 2ne1, Twice at Black Pink ang mga grupong ito ay binubuo ng puro mga babaeng miyembro. Para naman sa grupo ng mga kalalakihan ay ang Super Juniors, Bigbang, Infinite, EXO, Seventeen at BTS. Ilang lamang ang mga grupong ito sa mga iniidolo ng mga kabataan sa iba't-ibang panig ng mundo. May kanya kanyang tawag o bansag sa mga tagahanga ng bawat grupo ng mga ito na tinatayang libo-libo sa bawat bansa. Kaya ganun na lamang kung dumugin ang mga concert, fan meetings at world tours ng mga ito. At hindi lamang sa parang ito naipapakita ng mga tagahanga ang pagsuporta nila sa kanilang mga iniidolo, kundi pati narin sa pagbili, pagkolekta at pag tangkilik sa mga bagay na may trademark ng bawat grupo. Ilan lamang ito sa mga kinahahangaan ng maraming kabataan sa bansang South Korea.
Ngunit ano nga ba ang mabubuti at masasamang epekto ng pagsibol ng korean wave para sa mga kabataan at sa ating komunidad?  Para sa ilang Pilipino, ang pagiging humaling ng mga kabataan sa korean drama at korean groups ay nakasisira sa konsentrasyon ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Ang ilan pa'y sinasabing nakakasama ito para sa kanilang mga anak. Napapagastos pa daw ang mga kabataan sa iba't-ibang luho gaya ng mga magazines at albums ng mga idolo nila. Sinasabi pa ng ilan na psychologically at mentally, nakakasama na ang pagkahumaling ng mga kabataan sa korean pop wave. Pati na ang sarili nilang kultura ay natatabunan na ng mga hirap na kultura mula sa bansang ito.
Bilang isang kabataan at isa ring tagahanga ng mga koreano, ano nga ba ang mga ginagawa ko? Ako iyong tipong nanonood ng bawat tv guesting ng mga iniidolo ko. Gaya ni Lee Min Ho, dumalo nadin ako sa isa sakanyang mga fan meetings dito sa bansa dahil siya ang ambassador ng Bench. Isa din ako sa mga sumusoporta sa bawat penikula na siya ang bida. Isa din akong A.R.M.Y. (Adorable Representative ang MC of the Youth), ito ang tawag sa mga tagahanga ng grupong BTS o Bangtan Sonyeondan. Ang grupong ito ay nag-debut noong taong 2013. Bilang isang tagahanga alam ko ang pangalan ng bawat miyembro ng kanilang grupo. Gaya nalamang ng Leader na si Kim Nam Joon o mas kilala bilang Rap Monster, ang maknae o pinaka bata na si Jeon Jeongguk mas kilala bilang Jungkoon at ang pinaka matanda na si Kim Seok Jin o mas kilala sa Jin. Alam ko din ang kaarawan nila gaya na lamang ni Kim Taehyung o V na Dec. 30, 1995 at Jung Hoseok o JHope na February 18, 1994. Ilan lamang ito sa mga bagay na unang unang inaalam ng mga tagahanga tungkol sa kanilang mga iniidolo. Aamin ako na isa din ako sa mga kumokolekta at Tumatangkilik sa mga produktong koreano. Isa din ako sa mga nagtatanggol sa kanila sa social media tungkol sa ibat ibang issue na naibabato sakanila. Ganyang klase ako ng tagahanga sakanila. Mahal na mahal ko sila at alam kong mahal din nila kami.
Para sa akin, walang mabuti o masamang impluwensya. Nasa sa atin nalang kung paano tayo magpapaapekto sa mga iniidolo at hinahangaan natin. Kung iisipin, hindi ba isa ang korean pop wave sa mga nagbibigay kalinangan sa ating mga talento? Hindi ba natin naa-adopt ang kultura ng mga koreano? Ang pagsasayaw bilang isang libangan at career nadin. Walang masama sa paghanga sa mga banyaga. Walang masama sa pagkahumaling sakanila. Ang masama ay ang magpaapekto sa mga posibleng negatibong epekto nito. Ngunit naniniwala ako na ang mga Millenials ay hindi madaling maapektuhan o maimpluwensyahan. Dahil may likas na katalinuhan at katatagan ang ating henerasyon kaya't ang ating kakayahan at kagalingan mali man o tama sa tingin ng iba ay magpapaangat sa estado ng ating bansa.

                                                                                    

Mga Komento

  1. it has a very negative impact to most of yhe students..... better to cut this relationship with them as a fan...CUT IT OFF...........

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pagfafangirl/boy na ngalang wala pang freedom...

      Burahin
  2. Ako po ay sobrang nababahala na sa epekto ng anak ko sobrang fan sya sa mga K-pop..now ang naging epekto hnd n nmn sya nakkausap, ayw kumain at hgit sa lahat pinabbyaan nya na sarili nya..at wla na sya sa concentration..pls...help

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento